Aling ehersisyo ang makakatulong makapahinga at mapalakas ang aking likod at tiyan

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Subukang gawin ang mga ehersisyong ito araw-araw, ayon sa kanilang pagkakasunod-sunod:

1. Pag-iinat ng ibabang bahagi ng iyong likod: Humiga at yakapin ang iyong mga tuhod. Manatili sa ganitong posisyon sa loob ng 10-15 segundo kasabay ng paghinga nang malalim. Habang naglalabas ng hangin, marahang iugoy ang mga tuhod palapit sa iyong dibdib madagdagan ang pag-iinat. Ulitin ng dalawang beses, o hanggang makaramdam ng ginhawa sa babang bahagi ng iyong likod.

2. Ang pagpilipit: Humiga ng nakadiretso ang mga braso sa tagiliran. Ibaluktot ang mga tuhod, at marahang igalaw papunta sa isang tabi. Isabay ang pagbaling ng ulo sa kabilang direksiyon, habang pinapanatiling nakalapat ang balikat lapag. Manatili sa ganitong posisyon habang humihinga ng ilang beses. Pagkatapos, iangat ang mga tuhod papunta sa gitna, at dahan-dahang ibaba sa kabilang tabi. Ilipat ang ulo sa kabilang direksiyon. Ulitin ang ehersisyong ito ng tig-dalawang beses sa kanan at sa kaliwa, o hanggang makaramdam ng ginhawa sa ibabang bahagi ng iyong likod.

3. Pagpihit ng balakang: Humiga ng nakatiklop ang mga tuhod. Ilapat ang ibabang bahagi ng likod sa sahig. Marahang higpitan ang laman sa ibabang bahagi ng iyong tiyan at puwet habang bumibilang ng hanggang tatlo. Ituloy ang paghinga habang nasa ganitong posisyon. Pagkatapos, mag-relax. Habang ginagawa mo ito, ang iyong likod ay babalik sa normal nitong ayos. Ulitin.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil030110