Aling mga paraan ng pagpapalaglag ang mga ligtas

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang pagbubuntis ay maaaring alisin sa sinapupunan ng nagsanay na health worker sa mga sumusunod na mga paraan:

Pagpapalaglag sa pamamagitan ng paghigop (vacuum aspiration, MVA) Ang pagbubuntis ay inaalis sa pamamagitan ng paghigop gamit ang espesyal na tubo (cannula) na nilalagay sa sinapupunan sa pamamagitan ng pwerta o serviks. Ito ay maaaring gawin kahit hindi patulugin ang babae, kahit kung minsan ang gamot ay iniiniksyon sa serviks, para makatulong sa sakit. Kapag ang vacuum aspiration ay ginawa gamit ang kamay (manual vacuum aspiration or MVA), ang pagbubuntis ay naaalis gamit ang espesyal na hiringgilya. Kung hindi, isang maliit na makinang de koryente ang ginagamit. MVA ay simple at ligtas, at ito ay tumatagal lang ng 5 hanggang 10 minuto. Ito ay kadalasang ginagawa sa klinika o sa opisina ng manggagamot. Ang uri ng pagpapalaglag na ito ay ligtas gawin habang nasa una hanggang 12 linggo (3 buwan) ng pagbubuntis.

Pagpapalaglag sa pamamagitan ng pagkayod (dilation and curettage, o D and C) Ang pagbubuntis ay kinakayod gamit ang kyuret o hugis kutsarang instrumento na ginawang espesyal para makapasok sa loob ng sinapupunan. Ang kyuret ay mas malaki sa cannula at sapagkat ito ay matals, ang serviks ay dapat ibukang mabuti. Ang pagbubuka na ito ay maaaring magdulot ng sakit. ang D and C ay mas matagal na gawin (15 hanggang 20 minuto), mas masakit, at mas mahal kaysa sa vacuum aspiration. Ito ay kadalasang ginagawa sa operating room, at ang babae ay kadalasang binibigyan ng gamot para siya ay makatulog.

Pagpapalaglag sa pamamagitan ng gamot (medikal na pagpapalaglag) Ang ibang makabagong mga gamot ay ginagamit na ngayon ng mga manggagamot at health workers sa buong mundo para makapaglaglag. Ang tawag dito ay medical abortion. Ang mga gamot na ito ay ginagawang mapahilab ang sinapupunan at mailabas ang pinagbubuntis. Ang gamot ay maaaring inumin o tunawin sa bibig. Kapag ang tamang gamot ay ginamit ng tama, ang medical abortion ay masyadong epektibo at ligtas. Dahil walang inilalagay sa sinapupunan, mas kaunti ang panganib ng impeksyon na pumapatay sa mga babae na sumasailalim sa hindi ligtas na pagpapalaglag.


Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020208