Ano ang dapat kong malaman tungkol sa Tubal Ligation pagtatali para sa mga babae

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang tubal ligation o pagtatali ay ligtas ngunit mas mahirap na operasyon kumpara sa vasectomy. Ang operasyon na ito ay maaaring magtagal ng tatlongpung (30) minuto.

Ipinapadaan sa balat malapit sa pusod ng isang bihasang health worker ang isang instrumento na puputol o magtatali sa mga tubo na nagkakarga ng itlog papunta sa sinapupunan. Hindi nito binabago ang buwanang pagdurugo ng isang babae o ang kanyang kakayanan na makipagtalik o makaramdam ng sekswal na kasiyahan.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020520