Ano ang dapat kong malaman tungkol sa Vasectomy operasyon para sa kalalakihan

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang Vasectomy ay isang simpleng operasyon kung saan pinuputol ang tubo na nagkakarga sa tamud mula sa itlog nga lalaki hanggang sa kanyang ari. Ang itlog mismo ay hidi pinuputol. Ang operasyon na ito ay maaaring mapagawa sa health center na may bihasang health worker. Nagtatagal lamang ng ilang minuto ang operasyon na ito.

Hindi nababago ng operasyon ang kakayahan ng isang lalaki na makipagtalik o makaramdam ng sarap sa pagtatalik. Maaari pa ring labasan ng semilya ang isang lalaki ngunit hindi na ito nagkakarga ng tamud. Ang mga tubo ay maaari pa ring magkarron ng tamud hanggang labindalwang linggo matapos ang operasyon, kaya manyari lamang na gumamit pa rin ng ibang paraan ng pagpaplano ng pamilya sa panahong ito.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020519