Bakit nagtitiis ang mga babae sa mga lalaking nananakit sa kanila
"Bakit siya nagtitiis?, " ang kalimitang unang tanong ng mga tao kapag nakakarinig sila ng tungkol sa mga babaeng naaabuso. Maraming dahilan kung bakit ay isang babae ay mas pinipiling manatili sa isang relasyong mapang-abuso. Ang ilan sa mga ito ay:
Siguro ang mas magandang tanong ay, "Bakit hindi na lang ang lalaki ang umalis?" Kung siya ang tatanungin, sasabihin niyang personal na problema niya iyon at siya ang dapat umayos. Maling isiping ang karahasan ay kaniyang problema lamang.
Ang buong pamayanan ay dapat na maging responsable sa kalusugan at kapakanan ng bawat taong naninirahan duon.
Ang lalaki ang gumagawa ng krimen sa paglabag niya sa karapatan ng babaeng mamuhay ng ligtas sa pananakit ng pisikal, o sa pagpatay sa kaniya. Dapat pigilin at kwestiyunin ang kaniyang mga ginagawa.