Paano ako magkakarelasyon nang walang pakikipagtatalik

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang pagbuo ng isang mapagmahal na relasyon ay nangangailangan ng panahon, pag-aalaga, respeto, at tiwala mula sa dalawang tao. Hindi lang sex ang paraan ng pagpapakita sa isang tao ng pagmamahal. Ang pakikipagtalik ay hindi nangangahulugang magkakaroon ka ng pagmamahal.

Maaari kayong magsama nang maligaya nang walang pagtatalik. Sa pag-uusap at babahagi ng mga karanasan, may matututunan kayong mahalaga tungkol sa isa't-isa---kung ano ang pananaw sa buhay, mga pagpapasiya na gagawin niyong dalawa, anong klaseng kapareha o magulang kayo magiging, at ang inyong mga opinyon tungkol sa inyong plano sa buhay. Ang paghaplos ng isa't-isa na walang pagtatalik ay magiging kasiya-siya, at hindi ito makasasama hangga't hindi ito patutungo sa pagtatalik hanggang hindi pa kayo handa.

Kausapin mo ang iyong boyfriend. Kung sigurado ka na siya na nga ang lalaki para sa iyo, pero hindi ka pa sigurado kung handa ka nang makipagtalik, kausapin mo siya at mag-usap kayo tungkol sa mga paraan para kayo ay makapaghintay. Maaaring malaman mo ring siya ay hindi rin handa. Kung may respeto sa isa't-isa, makakapagpapasiya ng magkasama.

Kausapin ang iyong mga kaibigan. Baka malaman mong may kaibigan kang pareho ang pinagdadaanan. Maaari ninyong tulungan ang isa't-isa na magkaroon ng magagandang relasyon nang walang pakikipagtalik. Ngunit, magdalawang-isip sa pagtanggap ng payo mula sa kaibigang nakikipagtalik na. Maaaring kumbinsihin ka ng isang kaibigan na gawin ang kaniyang ginagawa para gumanda ang kaniyang pakiramdam sa paggawa nito. Ito ang tinatawag na 'peer pressure".

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020812