Paano ako magkakaroon ng mabuting kinabukasan

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Subukang i-plano ang iyong kinabukasan.

Ang unang dapat gawin ay maglagay ng layunin sa iyong buhay. Ang layunin ay ang gusto mong mangyari,

Para sa karamihan ng mga babae, hindi into madali. Marami ang nararamdamang na ang buhay nila ay kinokontrol o pinipigilan ng kanilang mga pamilya o mga tradisyon ng kanilang mga pamayanan Pero, maaari mong simulang tulungan ang iyong sarili sa pamamagitan ng pag-alam kung ano ang gusto mo.

Pagkatapos ay subukang makipag-usap sa isang babae o lalaking gumagawa ng isang bagay na gusto mo. Ito ay maaring ang taong iyong hinahangaan o isang namumuno sa inyong pamayanan. Itanong mo kung maaari silang maglaan ng oras na makausap ka para matutunan mo ang kanilang ginagawa.

Minsan ang mga babae ay nakakaramdam ng pagkabigo dahil ang kanilang mga pangarap at inaasam para sa kanilang kinabukasan ay maaring salungat sa paniniwala ng kanilang pamayanan at ng kanilang pamilya, a kung ano ang dapat gawin ng isang babae. Mahalagang ipaliwanag nang mabuti ang iyong mga pangarap at mga inaasam sa mga nakakatanda, at makinig din sa kanilang mga ikinababahala.

Maghanap ng makakausap na sa palagay mo ay makikinig at makauunawa--- kaibigan, kapatid na babae o ibang kamag-anak na babae. Pag-usapan ang iyong kinakatakutan at pinoproblema. Maaring ninyong pag-usapan ang tungkol sa mga kababaihang malakas ang paninidigan sa inyong pamayanan, at mga pangarap mo sa kinabukasan.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020805