Paano ako magpapasiya kung gagamitin ko ang batas

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang pagpapasiya na gamitin ng batas ay kailangang gawin nang maingat.

  • Mayroon bang sasama sa akin para makipag-usap sa mga pulis?
  • May natulungan na ba ang batas na ibang mga babaeng nagahasa sa iyong pamayanan?
  • Gusto mo bang manatiling pribado ang panggagahasa? Kaya bang ilihim ng pulis ang tungkol sa panggagahasa?
  • Tinakot ka ba ng manggagahasa na sasaktan ka pa kung sakaling isumbong mo ang panggagahasa?
  • Kung ang nanggahasa ay mahuli at napatunayan na ikaw ay ginahasa, paano siya parurusahan?

Kung nagpasiya kang gusto mong isumbong ang panggagahasa sa iyo sa pulis, gawin mo sa lalong madaling panahon pagkatapos ng pangyayari. Huwag maglinis bago pumunta, at dalin ang ng mga damit na iyong ginamit at ilagay sa bag, Ang mga bagay na ito ay makatutulong para mapatunayan na ikaw ay ginahasa. Magsama ng kaibigan, at hilinging masuri i ng isang babaeng healt't maaari.

Kung ayaw mong magpunta sa mga pulis, o kung hindi ka agad makapupunta, pumunta na rin sa isang health worker---kahit na hindi ka masyadong nasaktan. Sabihin sa health worker na ikaw ay ginahasa. Dapat ka niyang suriin para sa mga hiwa o punti, at bigyan ka ng mga gamot para mapigilan ang pagbubuntis at STI. Hilingin na isulat niya lahat ng kaniyang masusuri dahil ito ang makapagpapatunay sa pulis at sa iba sa pamayanan na ikaw ay ginahasa.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020315