Paano ako magpapasiya tungkol sa boyfriends at sex

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Karamihan sa mga kabataaan ay nagsisimula ng magkaroon ng mapagmahal at sekswal ng pakiramdam habang nagkaka-edad. Ang pag-iisip na paghaplos o mahaplos ng isang tao ay karaniwan na. (Ang mga babae ayy maaaring mag-isip ng kapwa babae sa ganitong paraan. ) Nguni't ang mga tao ay kadalasang may ganitong pakiramdam bago nila kayang gawan ng paraan ito.

Makipatalik lamang kung handa na at alam kung paano pangalagaan ang sarili sa kapahamakan. Ang sex ay maaaring ikasiya ng dalawang tao, ngunit hindi dapat kung may takot o pagkahiya.

Ang mga kabataang babae ay nakikipagtalik sa maraming dahilan. Ang iba ay dahil sa gusto na magkaanak. Ang iba nama'y dahil sila ay nasisiyahan at ginugusto. Mayroong ilan na wala sila masyadong magawa dahil ito ay kanilang tungkulin bilang asawa o girlfriend. Ang iba naman ay para kumita, o para sa ibang bagay na kailangan para mabuhay, tulad ng pagkain, o damit para sa kanilang anak, o para may matirhan.

Ang iba ay nakikipagtalik dahil akala nilang lalo silang mamahalin. Minsan, ang kaibigan o kasintahan ay maaaring maparamdam sa babae na kailangan niyang makipagtalik kahit na hindi pa siya handa.

Walang sinuman ang dapat na makipagtalik kung ayaw pa niya. Makipagtalik lamang kung nakapagpasiya nang handa na. Ang sex ay maaaaring maging kasiya-siya para sa dalawang tao, ngun't mahirap maging masaya kung may nararamdamang takot o hiya, o walang pahintulot.

Kung ikaw ay handa na sa sexual relationship, laging pangalagaan ang sarili sa pagbubuntis at pagkakasakit.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020809