Paano ako makakagawa ng haybox cooker na nagpapahina ng usok

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Para lalong makatipid sa panggatong, gumamit ng haybox cooker na nagpapatagal ng init o pagpapakulo ng pagkain o pagkatapos kumulo sa iyong stove. Ang panglutong ay makakatipid ng kalahati sa panggatong pag nagluluto ng beans, karne, bigas o grains. Ang bigas at grains ay gagamit ng kabawasang 1/3 na tubig, dahil hindi masyadong sisingaw.

Gumawa ng haybox sa pamamagitang ng pagsasapin sa isang cardboard ng 4 inches ng dayami (o straw, sawdust, lumang damit, balahibo, ipa, bulak, wool, styrofoam o karton). Mag-iwan ng espasyo sa loob ng karton para sa lutuan at para madagdagan ang insulation sa ibabaw ng pot. Ang takip ng karton ay dapat lapat at mahigpit.

Sa paggamit ng haybox cooker, tandaan:

  • ang pagkaing niluto sa haybox ay mas matagal ng 1 1/2 hanggang 3 beses lutuhin kaysa sa pagluluto sa apoy.
  • ang beans at karne ay dapat pakuluan muna sa iyong stove ng 15 hanggang 30 minuto bago ilagay sa haybox. Ang mga pagkain ay maaaring kailangang initin pagkatapos ng 2 hanggang 4 na oras.
  • ang pot ay dapat laging nakatakip at pakuluan ang mga lutong karne bago kainin. Sa ganito, mapipigilan nito ang mga bakterya na mahawahan ang pagkain.

Ilayo ang hay cooker sa kahit na anong apoy.


Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil030107