Paano ako makakagawa ng rocket stove na nagbabawas ng usok

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ito ang halimbawa ng isang stove na madaling gawin. Maaari mo itong iayon sa panggatong na gagamitin mo, at sa mga materyales o gamit na mayroon sa inyong lugar.

Kakailanganin mo ang mga sumusunod:

  • isang malaking (5 gallon) na lata, tulad ng lata ng mantika, toyo, malaking lata ng pintura (nalinis mabuti), o isang lata na pinaglagyan ng medical supplies. Ito ang magiging katawan ng stove. . Maaari ring gumamit ng mga cinderblocks o bricks, nguni't mas mabuti ang malaking lata dahil ito ay manipis at hindi masyadong sumisipsip ng init.
  • isang metal stove pipe na 4-inch ang lapad na may 90-degree na liko (elbow). Ang tubo sa isang gilid ng liko ay dapat mas mahaba sa tubo sa kabilang gilid. Kakailanganin mo rin ng isang tuwid na tubo para ikabit sa maigsing dulo ng liko. Ang mga tubong ito ay gagamitin sa paggawa ng burning chamber at chimney para sa stove. (4 o 5 lata na wala ng takip at ilalim ay maaari ring gamiting stove pipes. )
  • insulation tulad ng wood ash, pumice rock, vermiculite, dead coral o aluminum foil.
  • tin snips at abre lata para panggupit ng metal.
  • extra metal para sa 'skirt' sa paligid ng pot.
  • grating o makapal na fencing para sa ibabaw ng stove, kung saan nakalagay ang pot para sa pagluluto.

Paano gawin ang stove:

Gamitin ang abre lata o iyong mga tin snips para alisin ang takip ng lata. Gumupit ng 4-inch na bilog na butas sa gitna ng takip para sa chimney. Gumupit ng isa pang 4-inch na bilog na butas sa ibabang gilid ng harap ng lata, mga 1-inch mula sa ibaba ng lata, para sa burning chamber. Ang mga butas na gugupitin ay dapat sukat sa paligid ng stove pipes o mga lata.

Ilagay ang stove pipe sa elbow sa loob ng lata para ang isang dulo ay lalabas sa harap ng lata. Gumawa ng 2 parallel cuts na may pagitan na 1/2 inch sa mahabang dulo ng pipe, at itiklop ang section para makagawa ng lip. Sa ganitong paraan, ang pipe ay hindi dudulas pabalik sa lata. Ang mahabang parte ng pipe ay ang magiging burning chamber (kung saan masusunog ng fuel). Ikabit ang diretsong section ng pipe sa maigsing dulo ng elbow para makagawa ng chimney na hanggang sa 1-inch sa ibaba ng ibabaw ng lata. Gumawa rin ng lip dito sa pipe na ito, para ang ibabaw ng pipe ay hindi bumagsak sa lata.

Note: Ang chimney na gawa sa mga lata ay tatagal lamag ng 1 hanggang 3 buwan, at pagkatapos ay kailangang palitan na. Para maiwasan ito, subukang gumawa ng fired clay chimney na may halong 3 bahagi ng buhangin at 2 bahaging clay. Ilagay ang clay sa paligid ng chimney ng mga lata. Kapag ang mga lata ay may apoy na, magkakaroon ng clay chimney na may insulation sa paligid nito. 

Punuin ang katawan ng stove, paligid ng chimney, ng insulation tulad ng wood ash.

Ilagay ang takip sa ibabaw ng insulation at sa paligid ng chimney.

Gumamit ng lata para gumawa ng shelf sa loob ng burning chamber. Alisin ang mga dulo ng mga lata at pipiin ito. Gupitin ito na korteng T na kakasya sa loob ng pipe. Ang ibabaw ng T ay lilitaw at ipipirmi ang shelf para hindi dumulas sa loob. Maglagay ng brick o bato sa ilalim ng labas na bahagi ng shelf para suportahan ang mga tangkay habang umaapoy.

Gamitin ang grating o fencing para sa lalagyan ng pot sa ibabaw ng stove.

Gumawa ng skirt mula sa extra metal. Kailangang paligiran ang pot na nag-iiwan ng 1/4 inch gap sa pagitan ng skirt at pot sa base nito. Para sa mas magandang skirt, gumawa ng double skirt at lagyan ng insulation sa pagitan ng 2 sheets ng metal.

Kung kailangang magluto sa loob, ilagay ang stove malapit sa dingding na bukas. Ang usok ay maaaring umakyat sa pader para lumabas ng building.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil030106