Paano ako makakaiwas sa panggagahasa

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Walang isang tama o maling paraan ng pagkilos para makaiwas sa rape. Ngunit may ilang mga bagay na maaaring magawa ang mga kababaihan upang mabawasan ang posibilidad na maging biktima ng kahit anong uri ng rape. Ang ginagawa ng isang babae ay depende kung gaano niya kakilala ang lalaki, gaano siya katakot, at gaano kalaki ang panganib na kaniyang sinuungan. Tandaan, kung nagahasa ang isang babae, ito ay hindi dahil sa nabigo siyang iwasan ang panggagahasa, kundi dahil may taong mas malakas na ipinilit ang sarili sa kanya.

Ang mga kaisipang ito ay maaaring makatulong upang makaiwas ang isang babae sa panggagahasa:

  • Magtrabaho kasama ang ibang mga babae. Mas ligtas at mas malakas kung kayo ay magtatrabaho bilang grupo.
  • Huwag magpapasok ng kahit sinong nagpapakaba sa iyo sa iyong bahay. Huwag din ipaalam kung ikaw nag-iisa lamang sa bahay.
  • Iwasan ang paglalakad nang mag-isa, lalo na sa gabi. Kung hindi maiiwasan, itaas ang noo, at kumilos na may kumpyansa sa
sarili. Karamihan sa mga nanggagagahasa ay naghahanap ng mga babaeng mukhang mahina at madaling atakihin. 
  • Kung sa tingin mo ay may sumusunod sa iyo, subukang mag-iba nga direksiyon, o maghanap ng ibang tao, bahay o tindahan.
Maaari ring harapin ang sumusunod sa iyo at itanong nang pasigaw kung ano ang kanyang kailangan. 
  • Magdala ng bagay na maaaring makagawa ng malakas na ingay katulad ng pito. Magdala rin ng bagay na maaari mong magamit
upang depensahan ang iyong sarili. Ito ay maaaring pamalo, bagay na maaari mong iwisik sa kanyang mata o kahit na 
maanghang na pulbos --- gaya ng paminta o sili, na maaari mong isaboy sa kanyang mata. 
  • Kung ikaw ay inatake, sumigaw nang malakas o kaya gamitin ang dalang pito. Kung hindi ito umubra, subukang saktan siya
upang ikaw ay magkaroon ng pagkakataon na makalayo. 
Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020307