Paano gamitin ang condom para sa kalalakihan

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

1. Kapag ang lalaki ay hindi tuli, hilahin ang balat ng ari papunta sa likod. Pisilin ang dulo ng ng condom at isuot sa dulo ng matigas na ari.

2. Pisilin lang ang dulo habang binabanat ang condom, hanggang matakpan ang buong ari. Ang dulo ng condom ay siyang sasalo sa semilya. Kung hindi mo iniwanan ng puwang sa dulo ng condom, malamang na ito ay mapunit.

3. Pagkatapos maglabas ng semilya ang lalaki, dapat niyang hawakan ang dulo ng condom at marahan niyang hilahin palabas ang kanyang ari mula sa ari ng babae habang ito ay matigas pa.

4. Alisin ang condom. Huwag hayaang matapon o tumulo ang semilya.

5. Ibuhol ang condom at itapon ito nang malayo sa mga bata o mga hayop.

Ang mga lubricants o pampadulas ay makatutulong sa pagpapadulas at pagbasa ng condom o ari ng babae. Nakatutulong ito upang hindi mapunit ang condom, maging ligtas at kasiya-siya ang pagtatalik. Ang mga pampadulas ay dapat water-based, tulad ng dura (laway), o K-Y Jelly. Ipunas ang lubricant sa gilid ng condom kapag nakasuot na sa matigas na ari ng lalaki. Ang isang patak ng pampadulas sa loob ng dulo ng condom ay magpapasarap sa pakiramdam ng lalaki. Huwag gumamit ng mantika, baby oil, mineral oil, petroleum gel, skin lotion o kaya butter. Ang mga ito ay magpapadali sa pagpunit ng condom.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020411