Paano gumagana ang counting days method paraan ng pagbibilang ng mga araw

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Hindi ka maaaring makipagtalik sa panahon na malaki ang posibilidad na ikaw ay magbuntis kapag ang paraan na iyong ginagamit ay ang counting days method. Ang pamamaraan na ito ay maari lamang gamitin kung regular ang pagdating ng iyong buwanang dalaw o regla na nagtatagal sa pagitan ng dalawampu't anim (26) at tatlongpu't dalawang (32) araw. Ito ay nangangahulugan na ang bilang ng araw mula sa unang araw ng iyong regla hanggang sa unang araw ng iyong susunod na regla ay dapat hindi bababa sa dalawampu't anim (26) na araw at hindi lalabis sa tatlongpu't dalawang (32) araw.

Ang pamamaraan na ito ay mas epektibo kung ang bilang ng araw na namamagitan sa iyong buwanang dalaw o regla ay pareho buwan buwan. Ngunit kung ikaw ay magkaroon ng isang siklo na iba ang bilang ng araw, maaaring madali kang magbuntis. Karaniwan sa isang kababaihan na magkaroon ng siklo na may ibang bilang ng araw kapag siya ay may sakit o nakakaramdam ng lubos na pagkapagod. Kaya mainam lamang na gumamit ng ibang paraan ng pagpaplano ng pamilya kung ikaw ay may sakit o nakakaramdam ng lubos na pagkapagod hanggang ikaw ay gumaling at ang siklo ng iyong regla ay maging normal muli.


Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020511