Paano gumagana ang hormonal methods ng family planning

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang ganitong mga paraan ay mayroong mga hormones na tulad ng estrogen at progestin, na katulad ng estrogen at progesterone na ginagawa ng katawang ng babae.

Ang mga sumusunod ay kasama sa hormonal methods:

  • Pills, na iniinom ng babae araw-araw.
  • Injection, na ibinibigay bawat ilang buwan.
  • Implants, na inilalagay sa braso ng babae, at maaaring magtagal ng maraming taon.

Ang mga hormonal methods ay kinokontrol ng babae at maaaring gamitin na hindi nalalaman ng lalaki.

MAHALAGA: Ang hormonal methods ay hindi proteksiyon laban sa STIs o HIV.

Ang mga hormonal methods ay pinipigilan ang mga obaryo ng babae na maglabas ng itlog. Pinakakapal ng hormones ang mucus sa pwerta ng matris, para hindi makapasok ang sperm ng lalaki.

Ang karamihan sa birth control pills at ibang injection ay may estrogen at progestin. Ang mga ito ay tinatawag na 'combination pills o injections. Ang dalawang hormones ay magkasamang nagbibigay nang mahusay na proteksiyon sa pagbubuntis. Subalit ang ibang mga babae ay hindi dapat gumamit ng pills o injections kasama ang estrogen kung makasasama sa kalusugan, o kung nagpapasuso.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020418