Paano gumagana ang mucus method sa pagpaplano ng pamilya

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Sa magamit ang mucus method, dapat mong bigyang ng atensyon ang uhog (kabasaan) ng iyong ari. Ang iyong katawan ay gumagawa ng basang uhog sa mga panahong mataas ang posibilidad na ikaw ay magbuntis upang makatulong sa semilya na makapasok sa iyong sinapupunan. Kaya dapat mong tignan ang uhog ng iyong ari araw-araw upang iyong malaman kung kailan ka may mataas na posibilidad na magbuntis. Sa panahong ito ay dapat iwasan ang pagtatalik.

Paano malalaman kung ikaw ay may mataas na posibilidad na magbuntis:

1. Punasan ang labas ng iyong ari gamit ang iyong daliri o kapirasong papel o tela.

2. Kung may uhog kang makita, hawakan ito gamit ang dalawang daliri. Ano ang pakiramdam nito sa pagitan ng iyong mga daliri? Basa at madulas? Tuyo at malagkit?

kung malinaw, basa, at madulas = mataas ang posibilidad na magbuntis kung puti, tuyo, at malagkit = mababa o walng posibilidad na magbuntis

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020509