Paano gumamit ng spermicide

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

1. Maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig.

2. Kung foam ang gamit, alugin maigi ang lalagyan ng mga 20 beses. Pindutin ang pinaka nguso ng lalagyan para mapuno ang applicator. Kung jelly o cream ang gamit, ikabit ang spermicide tube sa applicator. Pisilin ang spermicide tube para mapuno ang applicator. Para naman sa mga tabletas, alisin sa balot at basain ng tubig - maaari ring gamitin ang laway para mabasa. HUWAG ilalagay ang tableta sa iyong bibig.

3. Ilagay ang applicator o tableta sa loob ng iyong maselang bahagi - itulak kung gaano kalayo kakayanin.

4. Kung gumagamit ng applicator, pindutin ang plunger at alisin ang applicator.

5. Hugasan ang applicator sa malinis na tubig at sabon.

6. Iwanan ang spermicide ng mga 6 na oras pagkatapos magtalik. Huwag gagamit ng dutsa, o hugasan ang spermicide. Kung tutulo ang cream, maglagay ng sapin, bulak otela para hindi magmantsa sa iyong damit.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020417