Paano ko gagamitin ang diaphragm

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

1.  Kung may spermicide ka, pigain ito papunta sa gitna. Saka ikalat nang kaunti palibot sa gilid gamit ang iyong daliri. 


2.  Pigaing pahati ang diaphragm. 


3.  Buksan ang mga labi ng iyong ari gamit ang isa mo pang kamay. Itulak ang diaphragm papasok sa iyong ari. Pinakamabuti kung itutulak sa gawing likuran mo.

4.  Suriin ang posisyon ng iyong diaphragm sa pamamagitan ng paglalagay ng iyong isang daliri sa loob ng iyong ari at pagkapa sa iyong cervix sa loob ng goma ng diaphragm. Ang cervix ay matigas sa pakiramdam, katulad ng dulo ng iyong ilong. Dapat matakpan ng diaphragm ang iyong cervix.

5.  Kung nasa tamang lugar ang diaphragm, hindi mo mararamdaman na nasa loob mo ito.

6.  Hayaang nakalagay ang diaphragm sa loob ng hindi bababa sa 6 na oras pagkatapos makipagtalik.

Maaari mong hayaang nakalagay ang diaphragm sa loob ng hanggang 24 na oras. OK na gamitin ang diaphragm sa panahon ng buwanang regla, nguni't kakailanganin mong tanggalin ito at linisin nang kasingdalas ng ginagawa mong pagpapalit ng pasador o pad.

Para matanggal ang diaphragm: 
Ipasok ang iyong daliri sa loob ng iyong ari. Abutin ang likuran ng unahang labi ng diaphragm at hilahin itong pababa at palabas. Minsan nakatutulong kung itutulak pababa ang iyong mga kalamnan tulad ng kapag dumudumi. Hugasan ang iyong diaphragm gamit ang sabon at tubig, at patuyuin ito. Tingnan ang diaphragm kung may mga butas sa pamamagitan ng paghawak nito sa liwanag. Kung mayroong kahit isang maliit na butas, palitan na ito. Itago ang diaphragm sa isang malinis at tuyong lugar.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020415