Paano ko gagamitin ang mucus method
Huwag makikipagtalik sa mga araw na ikaw ay nakakaramdam ng pagkabasa o malauhog na pakiramdam sa iyong ari. O kung gusto mo talagang makipagtalik sa mga araw na iyon, gumamit ng condom o diaphragm na walang spermicide (ito lang ang mga paraang hindi nakakapagpabago sa mucus).
Huwag makikipagtalik hanggang sa pangalawang araw matapos makakita ng malinaw at madulas na malauhog na likido.
Huwag makikipagtalik habang ikaw ay mayroon. May mallit na posibilidad na ikaw ay mabubuntis at ito ay hindi mo masabi.
Huwag gumamit ng dutsa o hugasan ang iyong ari. Mahuhugasan nito ang mucus.
Kung nahihirapan kang malaman kung kailan ka maaaring mabuntis, o kung may impeksiyon ka sa iyong ari, dapat kang gumamit ng ibang method o pamamaraan.