Paano ko haharapin ang iba pang hindi namin napagkakasunduan ng aking mga biyenan

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Sa anumang uri ng hindi ninyo pagkakaunawaan ng iyong mga biyenan, mahalagang makuha ang suporta ng iyong asawa para maayos ang sitwasyong bumabagabag sa iyo. Ang iyong mga biyenan ay mga magulang ng iyong asawa, kaya mahal niya ang mga ito, at walang pag-aatubiling susundin niya ang mga ito kaysa sa iyo.

Mahalagang sa simula pa lang ay makuha mo na ang suporta at simpatiya ng iyong asawa para maayos ang problema mo sa iyong mga biyenan. Ang mga sumusunod na paraan ay makatutulong sa iyo:

  • Kapag humihingi ng tulong sa asawa, mahalagang maging malumanay, hindi sumisigaw o umiiyak. Ipaliwanag ang mga bumabagabag sa iyo at siguraduhing mapaintindi sa kaniya kung ano ang nagpapasama ng iyong loob. Kung hindi niya maintindihan sa umpisa, subukan mo nang subukan hanggang sa maintindihan niya. Mahalagang makumbinse mo siya dahil kakailanganin mo ang kaniyang suporta.
  • Huwag siyang sisihin, o saktan ang kaniyang damdamin. Kapag nagkaganon, ipagtatanggol lamang niya ang kaniyang sarili (na natural sa tao), at hindi na siya makikinig sa iyong mga paliwanag. Maging mabait, huwag magalit. Huwag siyang ituring na bahagi ng problema, kundi bahagi ng solusyon sa problema. Bilang iyong asawa, siya ay iyong kakampi, hindi kaaway (dapat lang), kaya huwag mo siyang pilitin, kundi pagsikapang mainitindihan na kakailanganin mo ang kaniyang tulong.
  • Ang madalas na problema sa mga mag-asawa ay ang pagnais ng asawang humiwalay sa kaniyang mga biyenan. Bagama't ito ay katanggap-tanggap, maraming lalaki ang nag-aatubiling pumayag. Kung ito ang iyong problema, intindihin at galangin ang kaniyang katapatan sa kaniyang mga magulang, at huwag mo itong kwestiyunin. Sa halip, ipaliwanag sa kaniya kung ano talaga ang bumagabag sa iyong kasalukuyang kondisyon, at pagsikapan ninyong dalawa na humanap ng mga maaaring pagbabago na magagawa na hindi sasalungat sa katapatan niya sa kaniyang magulang. Sana maging daan ito sa pagbabago ng inyong sitwasyon para hindi na kailangan humiwalay pa. Kung hindi naman, ipaalala sa kaniya nang mariin, nguni't sa malumanay na paraan, na may obligasyon din siya sa iyo.
  • Huwag mong isipin na lalong hindi kayo magkakasundo kung ipagtatapat mo sa kaniya ang iyong mga problema. Ang pinakamasama nang mangyayari ay hindi na kayo magkibuan. Kung mangyari man ito, walang dudang lalong makasasama ito sa sitwasyon. Kaya mahalagang magpatuloy ang inyong pag-uusap. Ang pagkimkim ng iyong mga nararamdaman ay makadaragdag lamang sa iyong stress at tensyon sa loob ng bahay at kwarto.
  • Huwag isipin na hindi ka maiintindihan ng iyong asawa, ang iyong mga problema, at walang kahulugan ang pakikipag-usap sa kaniya. Kapag sa simula ay hindi niya maintindihan, kailangang subukan muli para maintindihan ka niya. Ang lalaki at babae ay maraming pagkakaiba. Iba sila mag-isp, makiramdam at kumilos. Iba silang mamuhay at iba rin ang pananaw nila sa buhay. Kaya, huwag ka mawalan ng pasensiya dahil kailangan ng asawa mo nang kaunting panahon para maintindihan ka at ang iyong problemang ipinaliliwanag sa kaniya.

Tingnan at tutukan ang mga magagandang bagay sa iyong buhay, at mag-isip ng mas ikabubuti nito. Maryoon kang magagawang positibong pagbabago. Marami kang kayang gawin.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil021017