Paano ko haharapin ang magkasalungat na pananaw sa sex

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang pagnanasang sexual ay natural sa buhay, at ang babae ay nakakaramdam din ng pagnanasa at kasiyahang sexual tulad ng lalaki. Naging tradisyon na ang mga babae ay turuang tungkulin nilang ibigay ang hiling na sexual ng kanilang asawa, at "ang mga mabubuting babae ay walang sexual na pakiramdam o pangangailangan. " Ang ganitong pag-iisip ay mali at nakasasama. Parehong mabuti at natural para sa mga kababaihan at kalalakihan na magbahagi ng kaligayahan sa kanilang asawa. Kapag ang mag-asawa ay marunong sa sexual talk at touch ng bawa't isa, pareho silang masisiyahan.

Kausapin ang asawa tungkol sa sex. Magiging mahirap ito kapag wala ka pang karanasan, nguni't ito ay mahalaga. Kapag hindi mo nasabi sa kaniya, paano niya malalamang hindi ka nasisiyahan sa inyong pagtatalik. Sabihin sa kaniya ang gusto at ayaw mo. Maaaring hindi napapansin ng iyong asawa ang kaibhan ng reaksiyon ng iyong katawan sa reaksiyon ng kaniyang katawan. Turuan mo siya kung saan ka niya dapat hawakan para magkagana.

Ang sex ay madalas nagsisimula sa paghalik, sa paghawak, pagsasabi o pagtingin sa paraang makakaramdam ng kasiyahan. Mas madalas na matagal labasan ang babae kaysa lalaki. Kaya kailangang hilingin sa asawa na magtiyaga kapag nagtatalik kayo.

Halos lahat ng mga babae ay maaaring mag-climax, nguni't maraming babae ang hindi nakakaramdam nito, o di kaya'y isang beses lang. Kung gusto niya, maaaring pag-aralan paano mag-climax sa pamamagitan ng paghawak sa kaniyang sarili, o di kaya'y ituro sa asawa kung ano ang nagpapasarap sa kaniyang pakiramdam. Ang paghawak o paghipo sa sarili ay isang magandang paraan para mapag-aralan niya ang kaniyang sariling katawan, at anong klase ng paghawak ang magpapasarap sa kaniyang pakiramdam --- at ituro sa kaniyang asawa.

Ang tindi ng sexual na pagnanais ng isang babae ay depende sa kaniyang kabuwanang cycle, o sa ibang panahon sa kaniyang buhay. Kung pareho kayong walang gana mag-sex ng iyong asawa, pag-usapan niyo ito at intindihin ang bawa't isa. Bigyan ng panahon ang inyong sarili, at gawin sa pagkakataong pareho ninyong gusto, at gawin ang mga bagay na magbibigay excitement sa inyong dalawa.

Ang pagtatalik ay hindi dapat masakit. Kapag may sakit na nararamdaman, maryoong mail sa ginagawa. Ang babae ay may mararamdamang sakit kapag:

  • ang kaniyang katalik ay pinasok agad siya nang hindi siya relaxed o hindi pa gaanong basa
  • hindi kusa sa loob niya ang pagtatalik, nahihiya o ayaw makipagtalik
  • mayroon siyang impeksiyon (dapat magpunta sa health worker)
  • may hiwa sa pwerta

MAHALAGANG MALAMAN: Kapag may suspetsa kang ang iyong asawa ay mayroong ibang katalik, huwag makipagtalik sa kaniya kung hindi siya gagamit ng condom. Kapag mayroon siyang ibang ginagamit, maaari kang mahawan ng STI (sexually transmitted infectilon) tulad ng HIV/ADIS. Ang mga lalaki at babae ay maaaring magkaroon ng STIs, pero, mas madling mahawa ang babae, kaya mas malaki ang panganib sa iyo.


Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil021014