Paano ko haharapin ang mga pagtatalo tungkol sa pagpaplano ng pamilya at pagitan ng panganganak

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Upang malutas ang mga pagtatalo hinggil sa pagpaplano ng pamilya ay kakailanganin mong kausapin ang iyong asawa o ka-partner tungkol sa family planning at sa pamamaraang gagamitin. Upang mapadali ang pag-uusap makatutulong na ibahagi sa kanya ang mga sumusunod na impormasyon:

  • Ang kababaihang wala pang 18 taong gulang ay mas malamang mamatay sa panganganak dahil hindi pa gaanong buo ang kanilang mga katawan, at ang kanilang mga sanggol ay may mas malamang na mamatay sa unang taon ng kanilang buhay. Kaya mas mabuti nang hindi kaagad mag-anak.
  • Higit na panganib ang kinakaharap ng mas may edad na kababaihan sa panganganak, lalo na kung mayroon silang iba pang problema sa kalusugan o nagkaroon na ng maraming anak. Kaya mas mabuti nang hindi mag-anak kapag matanda na.
  • Ang katawan ng babae ay kailangang makapahinga sa pagbubuntis, kaya ang sapat na agwat sa pagitan ng mga pagbubuntis ay mas ligtas para sa kababaihan at sa kanilang mga anak. Mas nakabubuti ang hindi sunud-sunod na pag-anak.
  • Ang isang babaeng may higit pa sa apat na anak ay may mas malaking panganib na mamatay pagkapanganak dahil sa pagdurugo at iba pang dahilan. Kaya mas mabuti ang hindi magkaroon ng masyadong maraming anak.
  • Ang pagkakaroon ng mas kakaunting anak ay nangangahulugan ng mas kaunting problema sa kabuhayan para sa pamilya at magpapahintulot sa asawa na mas mapangalagaan pa ang kanyang pamilya. Kaya kung mas kakaunti ang anak, mas makakayanan ng pamilya ang mas magandang pamumuhay at mas magandang edukasyon para sa mga anak nito.
  • Ang mas kakaunting anak ay maaaring mangahulugan na mas maraming panahong pagsasaluhan ang mga magulang para sa kanilang mga sarili at kasama ang kanilang mga anak.
  • Makatutulong din ang family planning sa mag-asawa na mas masiyahan sa pakikipagtalik dahil hindi na nila kailangang pangambahan pa ang mga hindi gustong pagbubuntis. Gayunman, ang pagiging protektado laban sa hindi gustong pagbubuntis ay hindi nangangahulugan na gugustuhin ng mga babaeng makipagtalik sa ibang mga lalaki.

Kung ayaw pa rin ng asawa mong gumamit ng family planning pagkatapos malaman ang tungkol sa mga magandang idudulot nito, dapat kang magpasiya kung gagamit ka pa rin ng family planning upang mapangalagaan ang iyong sarili. Kung gagawin mo iyon, maaaring kailangan mong pumili ng pamamaraan na magagamit nang hindi alam ng iyong ka-partner. Saan ka man naninirahan, mas magiging malusog ka kung may kontrol ka sa kung gaano karaming anak ang isisilang mo, at kung kailan ka mag-aanak.

Samakatuwid, ang pagpapasiya sa paggamit —o hindi paggamit—ng family planning ay dapat laging ayon sa kagustuhan mo.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil021013