Paano ko iinumin ang combined birth control pills
Ang pill ay nasa pakete na 21 o 28 na tabletas. Kung meron kang 28-day na pakete, uminom ng isang pill araw-araw. Pag natapos na ang isang pakete, simulang inumin ang pills galing sa isang pakete. (Ang huling 7 pills sa 28-day na pakete ay gawa sa asukal. Wala itong hormones. Ang mga sugar pills na ito ay tutulong sa pagpapaala na uminom ng isang pill araw-araw. )
Kung meron kang 21-day na pakete, uminom ng isang pill araw-araw sa loob ng 21 araw, at maghintay ng 7 araw bago simulan ang bagong pakete. Magkakaroon ka sa mga araw na hindi ka umiinom. Nguni't kung hindi ka pa nagkaroon, simulan na rin ang bagong pakete.
Sa parehong 21-day at 28-day na pakete, simulan ang unang pill sa unang araw na magkaaroon ka. Hindi mapoprotektahan agad, kaya sa unang 2 linggo na umiinom ng pill, kailangang gumamit ng ibang paraan ng family planning, o huwag makipagtalik.
Kailangang uminom araw-araw ng pill kahit hindi nakikipagtalik. Subukang inumin ang pill sa parehong oras bawa't araw. Makatutulong ito mapaalala sa iyo na magsisimula ng bagong pakete sa parehong araw ng linggo.