Paano ko maiiwas ang aking mga anak na mapaso o mabanlian

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Para maiwasan ang ganitong uri ng paso:

  • ilayo ang mga bata sa mga apoy pag nagluluto, posporo, paraffin lamps, mga kandila at madaling lumiyab na mga likido tulad ng paraffin at gaas
  • ilagay ang mga stove sa patag, mataas na lalagyan na hindi maaabot ng mga bata
  • kung sa labas magluluto, gumawa ng apoy sa nakaangat na clay, hindi basta sa lupa. Lagyan ng harang na putik, kawayan o ibang materyal o maaari ring gamitin ang kuna para mailayo ang batang maliit sa lugar na may apoy.
  • huwag iwanan ang mga maliliit na batang mag-isang malapit sa apoy o maglaro ng apoy o magluto
  • ilayo ang mga bata sa mga heaters, mainit na plantsa at ibang appliances
  • huwag iwanan ang batang mag-isa sa silid na may nakasinding kandila o apoy.
Sources