Paano ko maiiwasan ang magkaroon ng problema sa kalusugan dahil sa pagbubuhat ng mabibigat na bagay

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Maingat Paraan ng pag-aangat ng mabigat:

Mas madali na iwasang magkaroon ng problema sa likod kaysa gamutin ito. Hangga't maaari, hayaang ang mga binti ang magtrabaho at hindi ang iyong likod.

  • Gamitin ang kalamnan ng mga binti--hindi ang kalamnan ng likod--kapag nagbubuhat. Kapag bubuhatin ang mabigat na bagay o ang bata, huwag yumuko kundi lumuhod at iangat ito.
  • Panatilihing tuwid ang likod, balikat, at leeg.
  • Huwag magbuhat ng mabibigat na bagay habang buntis o kapag katatapos manganak.
  • Humingi ng tulong kapag magbubuhat ng mabibigat na bagay. Maaaring mas mabilis magbuhat kapag nag-iisa. Ngunit maaaring mapatagal ang gawain kapag nagkaroon ng problema o sakit sa likod.

Maingat na paraan ng pagbubuhat:

  • Buhatin ang bagay nang nakadikit sa katawan.
  • Hangga't maaari, buhatin ang mabigat na bagay sa iyong likod at hindi sa iyong tagiliran. Sa ganitong paraan, ang mga kalamnan mo sa iyong tagiliran ay hindi kailangang mapagod. Ang pagbubuhat din sa iyong tagiliran ay magdudulot sa iyong gulugod ng matinding pangangawit.
  • Kung kinakailangang buhatin ang bagay sa iyong tagiliran, subukang pagpalit-palitin sa magkabilang tagiliran upang maging balanse ang pagtrabaho ng iyong likod at nang maiwasan ang pangangawit ng gulugod. O kaya naman ay mas mainam na hatiin sa dalawang bahagi ang bagay at buhatin sa magkabilang tagiliran.
  • Iwasang gumamit ng pamigkis sa ulo. Ito ay maaaring magdulot ng pangangawit sa iyong leeg.

Maingat na Paraan ng pagyuko:

  • Ang pagyuko ng matagal--karaniwang gawain ng mga kababaihan habang naglalaba, nagsasaka, at gumagawa ng gawaing bahay--ay maaaring magdulot ng pangangawit sa likod. Kung kinakailangang magtrabaho sa ganitong paraan, ugaliing mag-inat ng madalas. Kung nagsimulang makaramdam ng sakit sa likod, makatutulong ang pagpalit-palit ng posisyon gaya ng pagtingkayad o pagluhod. Ugaliing magpalit ng posisyon nang madalas.
  • Huwag yumuko patagilid sa bewang upang abutin ang bagay mula sa sahig. Sa halip ay mag-iskuwat sa pamamagitan ng pagyuko gamit angf mga tuhod at panatilihing tuwid ang iyong likod.


Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil030109