Paano ko maiiwasan ang mga suliraning pangkalusugan dala ng usok
Upang mabawasan ang paglanghap ng usok:
Magluto kung saan ang hangin ay malayang nakakaikot. Kung hindi makaluto sa labas, tiyakin na mayroong kahit dalawang bintana o lagusan para sa hangin sa lugar ng pinaglulutuan. Sa ganitong kondisyon, makakalabas ang usok mula sa silid na pinaglulutuan.
Maghalinhinan sa pagluluto. Sa ganitong paraan, hindi lamang iisa ang makakalanghap ng sobrang aso.
Humanap ng paraan na makapagluto sa mas mabilis na paraan (nguni't maluluto rin ng husto ang mga pagkain). Sa ganitong paraan, hindi ka makakalanghap ng maraming usok at makakagamit ka ng mas kaunting panggatong.
Ang mga pagkain ay mas madaling maluto kung:
Gumamit ng mga kalan na hindi gaanong mausok. Ito ang pinakamainam na paraan upang maiwasan ang mga suliraning pangkalusugan dala ng usok. Maraming mabibiling kalan na hindi gaanong magastos sa panggatong at hindi gaaanong mausok. Ngunit, maaari ring makagawa ng kalan sa madaling paraan gamit ang mga bagay na matatagpuan sa paligid.