Paano ko maiiwasan ang mga suliraning pangkalusugang dulot ng paggamit ng apoy at ng gaas

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Para sa maingat na paggamit ng gaas, sundin ang mga sumusunod:

  • Huwag pabayaang malagyan ng gaas ang iyong balat o tumulo kung saan-saan. Kung ito ay mangyari, banlawan agad ng tubig.
  • Ilayo sa kalan ang mga bagay na madaling masunog. Sa ganitong paraan, mapipigilan ang pagkalat ng apoy at pagdulot ng malaking pinsala. Iimbak ang mga reserbang gaas sa ligtas na lugar malayo sa pinaglulutuan (at huwag gumamit ng posporo o manigarilyo malapit dito).
  • Ipwesto ang kalan kung saan ang hangin ay malayang nakakaikot.
  • Laging mag-ingat kung nagsisindi ng kalan.
Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil030104