Paano ko maiiwasan ang pinsala sa pagkahulog o pagkalaglag sa mga anak ko

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Bilang karagdagan sa pagbabantay, ang ibang mga paraan para maiwasang mahulog ang mga bata:

  • bawalan sila na umakyat sa mga delikadong lugar
  • huwag hayaang maglaro sa hagdanan o balkonahe ang mga bata, at kung sakali man, kailangan silang bantayang mabuti
  • lagyan ng harang o rehas ang mga hagdanan, bintana at balkonahe
  • panatiliing malinis ang bahay, maliwanag, at walang nakakakalat na mga matatalas o magagaspang na bagay
  • siguraduhing ligtas ang pag-upo ng bata sa high chair
  • huwag iwanan ang mga sanggol na walang bantay sa kama, higaan, duyan o sa andador o sa kahit na anong pang batang gamit
  • ilagay ang mga kama, upuan, at kuna na malayo sa bintana
  • huwag ilagay ang mga laruan sa mataas na lalagyan na makikita at matutuksong kunin ng mga bata. Idikit ang mga mabibigat na kasangkapan o patungan sa pader o dingding.
Sources