Paano ko maiiwasan ang sapilitang pakikipagtalik

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Kung gusto niyang makipagtalik at ayaw mo, maaari mong sabihin na nalulugod ka sa kanyang kagustuhan ngunit ikaw ay hindi pa handa. Kung natatakot kang makasamang mag-isa ang taong iyon, magsama ng ibang tao, o makisuyo sa iba na kausapin siya.

Humindi nang malakas kung ikaw ay pinipilit na makipagtalik. Humindi nang humindi kung kinakailangan. Ipakita mo rin ang iyong pagtutol gamit ang iyong katawan. Kung sasabihin mong "HINDI" ngunit, iba naman ang ipinapahiwatig ng iyong katawan, baka isipan niya na "OO" talaga ang iyong ibig sabihin.

Lumayo ka kung hinahawakan ka niya sa kahit anong paraan na hindi mo gusto. Ang iyong mga damdamin ay binabalaan ka na baka mayroon pang mas malalang mangyayari. Mag-ingay ka o maghandang tumakbo kung kinakailangan.

Huwag kang uminom ng alak o gumamit ng droga. Ang alak at droga ay makakagulo sa iyong pag-iisip at mas mawawalan ka ng kontrol sa mga maaaring mangyari sa iyo.

Lumabas kayo bilang grupo. Sa maraming lugar, ang kabataan ay lumalabas nang maramihan o sa isang grupo. Maaari ka pa ring makakilala ng ibang lalaki ngunit mas maliit ang tsansa na mapilit kang makipagtalik dahil hindi ka nag-iisa.

Pumunta sa mga ligtas na lugar kung saan ay may mga makakakita sa iyo.

Mag-plano nang maaga. Mag-desisyon sa iyong mga limitasyon tungkol sa inyong pisikal na interaksyon. Huwag magpapadala sa iyong damdamin at hayaang may mangyari sa iyo.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020815