Paano ko maiiwasan ang suliraning pangkalusugan bilang isang labandera

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Kung maari, gumamit ng plastik o gomang guwantes para maproteksiyunan ang mga kamay.

Panatilihing tuyo ang iyong kamay hanggat maaari. Gumamit ng losyon o ang malapot na katas ng aloe vera pagkatapos magtrabaho. Kapag nagsisimula ng tumigas o masira ang iyong kuko, lagyan agad ng gentian violet.

Subukang maglagay ng isang mangkok ng malamig na itim na tsaa o kaya ay suka sa tubig (isang takip ng suka sa ikaapat na bahagi ng isang galon) katabi sa lababo. Tuwing ikaw ay gagamit ng tubig na may sabon, ibabad ang iyong mga kamay sa mangkok ng tsaa o suka ng isang minuto.

Gumamit ng katas ng mga sariwang halaman na kilala sa iyong lugar sa paggamot sa sakit sa balat gaya ng pamamantal, paso o pangangati. Ipunin at hugasan ang sariwang halaman, durugin ito hanggang maging matubig at malapot. Ilagay ang mga kamay sa ginawang timpla hangga't maari.


Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil030131