Paano ko maiiwasan magkasakit habang nagtatrabaho na may mga kemikal

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Para maiwasan ang panganib sa kalusugan dahil sa pagtatrabaho na may mga kemikal, subukang:

  • iwasang madikit ang mga kemikal sa iyong balat. Kung gumagamit ng mga kemikal sa bahay, gumamit ng gomang gwantes (or plastik bag). Kung gumagamit ng anumang kemikal sa trabaho, pati sa pagsasaka, gumamit ng mas makapal na gomang gwantes at magsapatos. Kung hindi, makapapasok ang mga kemikal sa iyong katawan.
  • maghugas ng mga kamay pagkatapos humawak ng mga kemikal. Kung gumagamit ng mga matatapang na kemikal, tulad ng mga pesticides, magpalit ng damit at maligo bago kumain o pumasok sa loob ng bahay. Gumamit ng gomang gwantes pag-nilabhan ang mga damit na ito.
  • iwasan malanghap ang anumang amoy o usok na galing sa kemikal. Magtrabaho kung saan mayroong tamang bentilasyon. Ang pantakip sa ilong na gawa sa papel o tela ay hindi makatutulong para maiwasan ang paglanghap ng amoy o usok galing sa kemikal.
  • ilayo ang anumang kemikal sa pagkain. Huwag gagamit ng lalagyan o pinaglagyan ng kemikal para sa pag-imbak ng tubig o pagtago ng pagkain, kahit pa nahugas ito nang mabutii. Ang lalagyan na mukhang malinis ay maaaari pa ring mayroon nakalalasong kemikal para mahawahan ang pagkain o tubig. Huwag gagamit ng spray na malapit sa pagkain o kung mahangin.

Kung malagyan ng kemikal ang inyong mata, hugasan kaagad sa malinis na tubig s 15 minuto. Iwasan malagyan ng tubig ang kabilang mata. Kung mahapdi pa rin at mapula, pumunta sa isang health worker.

Ilayo ang anumang kemikal sa mga bata. Laging tingnan ang anumang babala ng lason sa mga tatak.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil030114