Paano ko maiiwasan masaktan ang aking anak kapag nasa bahay

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang mga bubog ay maaaring maging dahilan ng malalim na hiwa, pagkawala ng dugo at impeksyon sa sugat, Ang mga matutulis na bagay, makinarya, ang kalawanging mga lata ay maaaring magdulot na mga sugat na may malalang impeksyon.

Ang bawat pamilya ay maaaring makaiwas sa pinsala sa mga bata na dulot ng mga bubog at matatalas na bagay kung:

  • ilalagay ang mga babasaging bote sa mga lugar na hindi maaabot ng mga bata, at pananatilihing walang nakakalat na bubog sa buong bahay maging sa lugar ng pinaglalaruan ng mga bata.
  • ilagay ang mga kutsilyo, pang-ahit, at gunting sa mga aparador na may kandado at hindi maaabot ng mga bata
  • itapon ng mga basura nang tama, kabilang na ang mga basag na bote at lumang lata.

Ang ibang mga pinsala na maaaring mangyari sa bahay ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga bata tungkol sa panganib ng pambabato at paghahagis ng mga matutulis na bagay o paglalaro sa mga gunting at kutsilyo.

Ang mga plastic bags ay dapat ding ilayo sa mga bata para hindi maisuot sa kanilang ulo.

Sources