Paano ko maipagtatanggol ang sarili ko

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Magsanay ng mga self-defense kasama ang kaibigan, para maging handa sa paglaban sa sasalakay. Tamaan mo siya nang malakas hanggat kaya mo. Huwag kang matakot na saktan siya- hindi siya natatakot na saktan ka.

Kung ikaw ay nilusob mula sa likuran

  • Sikuhin mo siya nang malakas sa tiyan.
  • Tapakan mo siya nang mariin sa kaniyang paa gamit ang iyong sakong.
  • Abutin mo patalikod ang kanyang bayag at pisain mo nang maigi.
  • Gamit ang iyong sakong, sipain mo siya nang malakas sa kanyang binti o tuhod.

Kung ikaw ay nilusob mula sa harapan

  • Hukayin mo ang loob ng kanyang mga mata.
  • Ipiting ng 2 kamao ang bawat tagiliran ng kanyang ulo, o sa kanyang mga tainga.
  • Suntukin mo siya nang malakas sa kanyang ilong.
  • Tuhurin mo siya sa kaniyang bayag (malakas at mabilis)

Iba pang pansariling depensa:

  • Kung ikaw ay nasa pampublikong lugar at may taong sinusubukang saktan o abusuhin ka, sumigaw nang malakas hanngat kaya mo.
  • Gumawa ng isang bagay na maaari niyang ikainis, tulad ng pagpapalabas ng laway o subukan mong magsuka, o magpanggap kang nababaliw.
  • Kung ang abusadong tao ay isa sa iyong pamilya, subukang makipag-usap sa kanya tungkol dito kasama ang miyembro ng pamilyang pinagkakatiwalaan mo.


Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020311