Paano ko makakalimutan ang aking mga damdamin ukol sa panggagahasa

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang panggagahasa ay maaaring manatili sa iyong mga alaala kahit matagal nang naghilom ang iyong katawan. Ito ang mga madalas na reaksyon:

  • Ano ang ginawa kong mali?
  • Ang tagal nang nangyari. . . bakit hindi ko pa makalimutan?
  • Paano niya nagawa iyon sa akin!
  • Kung walang ibang nakakaalam, baka mas madali kong makakalimutan.

Mahalaga sa isang babaeng biktima ng rape na makipag-usap sa iba o gumawa ng mga bagay na makakapagpagaan ng kaniyang loob matapos ng pangyayari--ang bawat babae ay kailangang humanap ng paraan para maghilom. Para sa ibang babae, nangangahulugang ito ay kailangan ng ritwal. Para sa iba, kailangang parusahan ang nanggahasa, o gumawa ng paraan upang hindi ito mangyari sa iba. Kahit ano ang gawin mo, pagpasensiyahan ang sarili at hilingin sa iba na pagpasensiyahan ka rin. Maaaring magtagal bago manumbalik ang dati mong sarili, ngunit ang pakikipag-usap sa isang taong iyong pinagkakatiwalaan, o nakaranas at nakalagpas sa panggagahasa ay matutulungan kang maghilom.


Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020321