Paano ko makakausap nang mas maayos ang aking mga magulang

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang pakikipag-usap sa iyong ina o ama ay maaaring maging mahirap minsan. Maaaring gusto ng iyong mga magulang na mamuhay ka ayon sa tradisyon, nguni't ang pakiramdam mo ay nagbabago na ang panahon. Maaaring maisip mong hindi nakikinig o naiintindihan ka ng iyong mga magulang. O natatakot kang magalit sila.

Ang iyong pamilya ay kaya kang mahalin kahit hindi laging sumang-ayon sa lahat ng iyong sinasabi. Maaari silang magalit dahil sila ay nag-aalala sa iyo --- hindi dahil sa hindi ka nila gusto. Subukan mong kausapin sila nang mas magalang, at tulungan silang intindihin ka nang mas mabuti.

Mga paraan para sa mas mabuting kominikasyon

  • Mamili ng magandang oras para mag-usap, kung hindi abala ang iyong mga magulang, hindi pagod o nag-aasikaso ng ibang bagay.
  • Ibahagi ang iyong mga problema, inaalala at layunin sa kanila, Itanong kung ano ang gagawin nila sa katayuan mo.
  • Bigyan sila nang mga babasahin o magpakita sa kanila ng isang larawan na maaaring pagsimulan ng usap. Maaari mong basahin ang isang bahagi ng aklat kung may kinalaman sa iyong problema.
  • Kung magalit ka, piliting huwang magtaas ng boses. Baka mapagalit mo ang mga magulang mo at isipin nilang hindi mo sila ginagalang.
  • Kung nasubukan mo na lahat ng mga ito at hindi mo pa rin makausap ang iyong mga magulang, humanap ng isang nakatatandang tao na maaari mong makausap. Maaaring isang guro, ina ng isang kaibigan, isang tiyahin mo, o nakakatandang kapatid na babae, lola, o isang tao sa simbahan, o isang health worker.
Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020820