Paano ko palalakihin ang mga bata para makatulong mapabuti ang mundo

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Bagama't kayo ng asawa mo ay may magkaiba ang paraan sa pagpapalaki ng mga anak ninyo, mahalagang mapag-usapan at magkasundo sa mga paraan para masiguro na mapabuti ang kapakanan ng mga bata----na hindi maikakailang napakahalaga para sa inyong dalawa.

Ang mga anak ninyo ay magdurusa kung ang kanilang ina ay nagdurusa, kaya kinakailangang pagkabitin, o --- hangga't maaari---magkasundo sa anumang pagkakaiba nang paniniwala, para sa kapakanan nila.

Kung kinakailangan, ipaalala sa iyong asawa na ang masayang relasyon ng mga magulang ay nagpapabuti sa pagbuo ng kaisipan at pangangatawan ng mga bata, at tandaang, bilang mga nanay, sa bawa't araw ng kanilang buhay, ay tinuturuan natin sila na:

  • kung unang pakakainin ang asawa at ang mga anak na lalaki, hindi kasing halaga ang gutom na nararamdaman ng kababihan.
  • ang mga babae ay hindi karapat-dapat na makinabang sa edukasyon kung ang pinag-aaral lamang ay ang mga anak na lalaki.
  • pinalalaki nating marahas ang mga anak na lalaki kung ipinakikita nating sukatan ng pagkalalaki ang pagiging marahas.
  • tinuturuan natin ang ating mga anak na lalaki na katangap-tangap para sa isang lalaki ang saktan ang asawa at anak, kung hindi tayo magsasalita laban sa karahasan.

Bilang mga ina, mayroon tayong kapangyarihang baguhin ang ating mga anak sa kanilang paglaki, at turuan natin ang ating:

  • mga anak na lalaki na maging mabait at mapagkumbaba, upang sila ay lumaking mabait at mapagkumbabang asawa, ama at kapatid
  • mga anak na babae na pahalagahan ang kanilang sarili para asahan din nila ang ganito mula sa ibang tao.
  • mga anak na lalaki na tumulong sa gawaing bahay at huwag itong ikahiya, para naman ang kanilang mga kapatid, asawa, at anak na babae, ay hindi magdusa sa dami ng gawaing bahay.
  • mga anak na babae na maging mas malaya sa pamamagitan ng pagtatapos ng pag-aaral o pagkakaroon ng isang angking husay.
  • mga anak na lalaki na galangin ang lahat ng kababaihan at maging responsableng sexual partners.
Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil021018