Paano ko pipiliin ang nararapat na paraan ng family planning para sa akin

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Narito ang ilang mga katanungan na maaari mong isaalang-alang sa pagpili ng tamang pamamaraan para sa iyo:

  • Gaano kabisa itong pumigil ng pagbubuntis?
  • Gaano kahusay itong mangalaga laban sa STIs?
  • Gaano ito kaligtas? Kung meron ka sa alin mang problema sa kalusugan na nabanggit sa kabanatang ito, kinakailangan mong iwasan ang ilang uri ng pamamaraan ng family planning.
  • Gaano kadali itong gamitin?
  • Ang iyo bang kapareha ay payag mag-family planning?
  • Ano ang iyong mga pansariling pangangailangan at pag-aalala? Halimbawa, kontento ka na ba sa mga anak na mayroon ka, o ikaw ba ay nagpapasuso ng iyong sanggol?
  • Magkano ang halaga?
  • Madali ba itong makuha? Kailangan mo bang bumisita nang madalasa sa health center?
  • Ang side-effects (ang mga problemang pwedeng idulot) ba nito ay magdudulot ng suliranin para saiyo?

Pagkatapos basahin ang tungkol sa mga pamamaraang ito, pwede kang magpatulong sa pagpili ng isa. Makakatulong din ang pakikipag-usap sa iyong kapareha, sa ibang babae, o sa health worker tungkol sa ibat-ibang mga pamamaraan.

Ikaw lang ang makakapagpasya kung aling pamamaraan ng pagpaplano ng pamilya ang nararapat sa iyo.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020408