Paano maiiwasan ang mga problema sa kalusugan sa mga di ligtas na kondisyon sa pagtatrabaho

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Marami sa mga kondisyong ito ay hindi magbabago kung hindi magkakaisa ang mga manggagawa at humingi ng pagbabago. Ngunit mayroong mga bagay na maaaring gawin sa sarili para maiwasan ang mga problema:

Kapag nagsimula ng bagong gawain, humingi ng instructions sa iyong boss o supervisor para sa ligtas na paggamit ng mga equipment at kemikal. Laging humingi payo mula sa mga babae na may karanasan sa paggamit ng parehong kagamitan o parehong kemikal.

Hangga't maaari, magsuto ng mga pang-proteksiyon - tulad ng sumbrero, takip sa ilong, guwantes, o earplugs para sa mga malalakas na ingay. Kung gagamit ng mga makina, iwasang magsuot ng mga maluluwag na damit. Ipusod ang buhok at takpan.

Kung ang lugar ng pinagtatrabahuhan ay mainit, uminom ng maraming tubig at kumain ng maaalat na pagkain---lalo na kung buntis. Ang mga babae ay mas malamang magka heat stroke o kaysa mga lalaki.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil030124