Paano maiiwasan ng aking anak ang pinsala sa pagkalason

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang susi upang makaiwas sa pagkalason ay ang paglayo ng mga kemikal sa mga bata.

Ang lason ay hindi dapat nakalagay sa mga bote ng softdrinks o beer, garapon o tasa, sapagkat ito ay mainuman ng mga bata nang hindi sinasadya. Lahat ng gamot, kemikal at lason ay dapat nakalagay sa kanilang orihinal na lalagyan, nakasarang mabuti, at nakalagay sa lugar na hindi maaabot ng mg bata.

Ang mga sabon, bleaches, kemikal at mga gamot ay hindi dapat iiniiwan sa lugar na maaaring maabot ng mga bata. Ang mga ito ay dapat nakasara nang maigi at may tamang tatak. Dapat nakakandado ang mga ito sa lugar na hindi kayang abutin ng mga bata.

Ang mga gamot para sa mga matatanda ay maaaring makamatay sa maliliit na mga bata. Ang mga gamot ay ipinapainom lamang kung ito ay inireseta para sa bata. Hindi dapat ipainom sa bata ang inireseta para sa matanda o sa ibang bata. Hindi dapat uminom ng gamot ang bata na mag-isa. Ang magulang o ang tagapag-alaga ang dapat nagbibigay ng gamot sa bata kapag kailangan. Ang mga gamot ay dapat itago sa hindi makikita at maaabot ng mga bata.

Kung may mga 'child-resistant closures' sa bahay, gamitin itong lalagyan ng mga nakalalasong kemikal.

Sources