Paano maiiwasang malunod ang aking mga anak

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang mga bata ay maaaring malunod sa loob ng dalawang minuto kahit sa kakaunting tubig, kahit sa bathtub.

Ang pagkalunod ay maaaring makapinsala sa utak, o makamatay. Para maiwasan malunod ang mga bata, dapat sila laging bantayan ng mga magulang at ng mga taga-alaga, kung sila ay malapit sa tubig.

Kapag may tubig sa kapaligiran, mahalagang:

  • takpan ang mga balon o mga tanke ng tubig para hindi mabuksan ng mga bata
  • baligtarin ang mga balde o paliguan kapag hindi ginagamit, at laging bantayan ang mga bata kapag naliligo
  • turuan ang mga bata na laging lumayo sa mga hukay o lagusan ng tubig
  • (sa mga pamilyang nakatira malapit sa mga tubig) paligiran ng bakod ang bahay at isara ang gate para hindi makapunta ang mga maliit na bata sa tubig
  • lagyan ng bakal na pahalang na may pantay na puwang para hindi makasuot ang mga bata
  • (para sa mga pamilyang nakatira mismo sa tubig) maglagay ng mga bakal na patayo sa mga terasa, bintana at pintuan para hindi malaglag ang mga bata sa tubig
  • turuan lumangoy ang mga bata habang sila ay maliit pa
  • pasuotin ng life jacket ang mga bata haang naglalaro sa tubig o nasa banka
  • laging bantayan ang mga batang lumalangoy
  • bilinan ang mga bata na huwag lalangoy mag-isa at sa tubig na may agos
  • balaan ang mga bata kapag tumataas na ang tubig
  • tiyaking lahat ng miyembro ng pamilya, pati ang mga batang nasa gulang na, ay alam kung saang ligtas na lugar pupunta kung kinakailangan mag-evacuate.
Sources