Paano maiwasn ng bata ang mabulunan

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang isang paraan ng mga bata para matutunan kung ano ang nasa kapaligiran ay ang pagsubo ng kung anu-anong bagay sa kanyang bibig na maaaring maging dahilan para siya ay mabulunan. Ang mga batang maliliit ay may kahirapang ngumuya at lumunok ng matitigas na pagkain kagaya ng matitigas na matamis na makakabilaok sa kanila.

Ang mga magulang at bantay ng bata ay dapat:

  • siguraduhin na ang lugar na pinaglalaruan at tinutulugan ng bata ay walang maliliit na bagay kagaya ng butones, beads, lobo, barya, takip ng pens, buto at nuts.
  • I-check ng maige ang laruan bago gamitin ng bata para masigurado na walang maluluag o matutulis na bagay ito na maaring maputol o mabasag at posibleng malunok ng bata.
  • huwag bigyan ng pagkain ang bata na maaring dahilan para sila ay mabulunan kagaya ng giniling na mga buto (mani), matitigas na matamis, o pagkaing may maliliit na tinik o buto.
  • laging bantayan ang mga bata pag sila ay kumakain, at putulin o hiwain ang kanilang pagkain ng maliliit para madaling manguya at malunok.
  • ang pag-ubo, pagkakautal at matinis at maingay na paghinga o ang hindi makapagsalita ay isang indikasyon ng mahirap na paghinga at posibleng nabulunan. Ang mga magulang at mga bantay ay dapat maghihinala na na ang bata ay nabubulunan na kapag siya ay biglang nahihirapang huminga, kahit na walang nakakakitang may nilagay siya sa kanyang bibig.


Sources