Paano nakakasama sa kalusugan ang laging pagbubuhat ng tubig

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang mga kababaihan madals naghahanap at nagbubuhat ng tubig para sa kanilang mga pamilya. Ang mga kababaihan din ang gumagawa ng halos lahat ng paghuhugas at paglilinis, at karaniwang nagpapaligo sa mga bata. Lahat ng mga gawaing ito ay mahalaga para sa kalusugan ng isang babae at ng kanyang pamilya. Ngunit, ang mga gawaing din ito ang maaring makasama sa kaniyang kalusugan.

Mga problema sa kalusugan nang dahil sa tubig:

Ang mga babaeng nabababad sa kontaminadong tubig ay nalalantad sa mga parasites at mikrobyo na nakatira sa tubig o sa malapit dito. Ang mga babaeng ito ang malamang na ma-impeksyon ng bilharzia, guinea worm, at mga mikrobyong nagiging sanhi ng river blindness o sakit na nagdudulot ng pagkabulag, cholera at iba pang parasitic disease.

Ang mga kababaihang naninirahan sa ibaba mula sa pabrika o malalaking sakahan ay malamang lantad sa mga kemikal na nasa tubig. Mga kemikal na makapagdudulot ng problema sa kalusugan.

Ang tubig ang isa sa mga pinakamabibigat na binubuhat ng mga kababaihan, kaya ang pag-igib at pagbubuhat nito ay sanhi ng mga sakit sa likod at leeg at iba pang problema sa kalusugan.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil030111