Paano nakasasama sa aking kalusugan ang pagtatrabaho nang malayo sa aking tirahan

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Maraming babae ang nagtatrabaho nang malayo sa kanilang tirahan. May mga babaeng bumabiyahe araw-araw papunta sa trabaho, samantalang ang iba ay lumipat sa mas malapit sa kanilang pinagtatrabahuhan. Ang tawag dito ay 'migration'.

Sa kadalasan, ang mga babae ay lumilipat mula sa lalawigan patungo sa lungsod kung saan ang mga pabrika ay may mga trabahong maiaalok, o kung saan maaari silang magtrabaho bilang mga domestic workers. Ang ibang babae ay pinipili ang lumipat, ngunit ang iba naman ay napipilitan dahil walang pagkain at trabaho sa kanilang tinitirhan, o dahil sa mas malaki ang perang alok sa pabrika. Ang perang kinikita ay napakahalaga para pang-suporta sa kanilang mga pamilya.

Kapag ang mga babae ay nag-migrate, sila ay nag-iisa sa unang pagkakataon. Ito ay nakakatakot dahil sila ay malayo sa kanilang pamilya at kaibigan na nagbigay ng suporta.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil030128