Papaano nakasasama sa aking kalusugan ang pagbuhat ng mga mabibigat

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang mga kababaihan, saan man sa mundo, ay nakakaramdam ng pananakit ng likod at leeg, karaniwan dahil sa pagbubuhat ng mabibigat sa araw-araw nilang gawain. Ang pagbubuhat ng inigib, kahoy at mga bata sa mahahabang distansya ay maaaring magdulot ng malalang pangangawit.

Ang mga batang kababaihang nagbubuhat ng maraming mabibigat - lalo na ang tubig - ay mayroong problema sa likod at sa gulugod o buto sa likod. Ang kanilang "pelvic bones" o buto sa balakang ay hindi nabubuo nang maayos, na maaaring maging dahilan ng maselang pagbubuntis sa kalaunan.

Ang pagbubuhat ng mabibigat ay maaaring maging dahilan para makunan ang mga kababaihan, at ang mga kababaihang kapapanganak lamang ay maaaring bumaba ang matris.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil030108