Sino ang hindi dapat uminom ng combined pills

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Mayroong mga babae na may mga problema sa kalusugan at ang pag-inom ng pills ay delikado para sa kanila.

HUWAG iinom ng pill kung mayroon kang anumang kondisyong nakalista sa itaas o kung ikaw ay:

  • maysakit sa atay na hepatitis, o naninilaw ang balat at mga mata.
  • nagkaroon na ng mga palatandaan ng stroke, pagkaparalisa, o sakit sa puso.
  • nagkaroon na dati ng namuong dugo sa mga ugat sa iyong mga binti, o sa iyong mga baga o utak. Ang mga varicose vein ay karaniwang hindi problema, maliban na lang kung mapula at makirot ang mga ugat.

Kung mayroon ka ng alinman sa mga sumusunod na problemang pangkalusugan, subukang gumamit ng ibang pinagsamang birth control pill. Nguni't kung hindi pwede, mas mabuti na ring inumin ang mga combined pills kaysa mabuntis.

Subukang huwag uminom ng mga pinagsamang pill kung ikaw ay:

  • nagpapasuso, maghintay hanggang sagana na ang paglabas ng iyong gatas bago magsimulang uminom ng mga combined pills. Karaniwang inaabot ito ng 3 linggo.
  • naninigarilyo at mahigit na sa 35 taong gulang. Mas na ma-stroke o atakihin sa puso kung umiinom ng combined pills
  • may diabetes o epilepsy. Kung umiinom ka ng gamot para sa mga seizure (“fits”), kakailanganin mong uminom ng mas matapang (50 microgram ng estrogen) na birth control pill. Humingi ng payo mula sa isang health worker o duktor.
  • may mataas na presyon ng dugo (higit pa sa 140/90). Kung ikaw ay napagsabihan na na may mataas na presyon ng dugo o iniisip mo na maaaring mayroon ka nito, ipasuri sa isang health worker ang presyon ng iyong dugo. Kung masyadong mabigat ang iyong timbang, may madalas na mga pananakit ng ulo, madaling kapusin ng hininga, nanghihina o madalas nahihilo, o nakakaramdam ng pananakit sa kaliwang balikat o dibdib, dapat magpasuri para sa mataas na presyon ng dugo.
Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020423